Advertisers

Advertisers

Mag-aama niratrat sa loob ng dyip

0 2

Advertisers

SUGATAN ang 29-anyos na lalaki at dalawa niyang batang anak nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaki habang bumibiyahe sakay ng isang pampasaherong jeep sa Malabon City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na sakay ang mga biktima ng isang jeepney nang harangin sila ng mga gunman.
Mula rito, bumaba ang da-lawang lalaki at sunod-sunod na nagpaputok sa direksyon ng ama, dahilan upang ma-damay at masugatan ang dalawa nitong anak.
Nagtamo ng tama ng bala sa hita ang lalaki, habang tinamaan sa kaliwang hita ang kaniyang tatlong taon gulang na anak. Sugatan din ang kaniyang 10-buwan na sanggol na nahagip ng bala sa paa.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at isinugod ang tatlong biktima sa Ospital ng Malabon bago inilipat sa Tondo Medical Center.
Ayon sa pinakahuling impormasyon, nasa ligtas nang kondisyon ang mag-aama.
Ayon sa ulat na isinumite sa pamunuan ng Northern Police District (NPD), 4:40 ng hapon nang maganap ang pamamaril.
Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo ng pag-atake.
Kasalukuyan nang sinusuri ng pulisya ang mga kuha ng CCTV cameras sa lugar.