Advertisers
Isang sundalo na nagmamaneho ng motorsiklo ang nasugatan nang salpukin nito ang likuran ng isang truck sa may West Service Road sa Pasay City, Sabado ng madaling araw.
Ayon kay Ambrosio Payumo Jr., nightshift supervisor ng Pasay Traffic, na habang nakaparada ang truck at nakabukas ang warning lights ay sumalpok pa rin ang motor ng biktima.
Nakuha sa rider ang ID ng Philippine Army, na hindi pa pinangalanan.
Lumalabas na nakainom ang biktima nang mangyari ang insidente.
Matapos ang insidente mabilis din itong isinugod sa ospital upang bigyan ng lunas sa tinamong mga sugat sa katawan.