Advertisers

Advertisers

Tomboy pinasabog ang ulo sa Pasay

0 527

Advertisers

Palaisipan pa sa pulisya ang pagpatay at pagbaril sa ulo sa isang tomboy ng hindi pa nakikilalang salarin sa Pasay City, Sabado ng tanghali.

Sa ulat, maliban sa tattoo sa kanang binti, wala ng iba pang mapagkakakilanlan sa biktima na tinatayang 25-39 anyos, may taas na 5’2 at nakasandong may stripe at orange na shorts.

Sa report ng Pasay City Police Station, nakatayo ang biktima sa O.C Laurel Street, kanto ng Decena St., Barangay 96, Pasay City, 12:30 ng tanghali nang biglang sumulpot ang salarin at binaril ito sa ulo.



Nakahandusay na ang biktima nang maabutan nina PCpl Bryan Jonas Agasino at PCpl John Ray Bravo ng Libertar Substation sa nasabing lugar.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima at ng salarin at motibo ng krimen.