Advertisers
BUMULUSOK pa lalo pababa ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region.
Pahayag ni Dr. Guido David ng OCTA Research group, nasa 0.97 na lamang ang reproduction number nitong Biyernes, Setyembre 24, kumpara sa 0.99 reproduction number noong Huwebes.
Nakasaad pa sa report ng OCTA na sa less than 1 na lamang ang reproduction number sa 13 local government units sa NCR.
Napag-alaman na ang Navotas ang nakapagtala ng pinakamababang reproduction number na mayroong 0.57.
Sa ngayon, nasa Alert Level 4 ang NCR hanggang sa katapusan ng buwang ito.