Advertisers

Advertisers

Presidential bet ng 1Sambayan iaanunsyo sa Sept. 30 – Carpio

0 285

Advertisers

IAANUNSYO na ng opposition coalition 1Sambayan ang kanilang napiling presidential candidate sa darating na Setyembre 30.

Subalit ayon sa kanilang lead convenor na si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, posibleng magkaroon pa ng pagbabago sa “original date” na kanilang napili.

Sa ngayon kasi ay nagsasagawa pa rin sila ng internal survey sa mga miyembro nila, na makakatulong din sa pagtukoy nila kung sino ang susuportahan sa halalan sa susunod na taon.



Kabilang aniya sa mga pumayag na sumailalim sa selection process nila ay sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, at dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Pero isinama na rin nila sa survey sina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson dahil inanunsyo na ng mga ito ang kanilang pagtakbo sa pagkapangulo.

Tatalakayin aniya nila ang resulta ng naturang survey sa kanilang general assembly at convenors’ meeting. (Josephine Patricio)