Advertisers

Advertisers

SWS survey…DIGONG BAGSAK NA!

0 372

Advertisers

BUMAGSAK ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Hunyo, ayon sa Social Weather Stations.

Batay sa SWS, 75 percent sa mga respondents ang nagsabi na kuntento sila sa pamamahala ng Pangulo habang 13 percent ang nagsabi na hindi sila kuntento.

Nasa 12 percent naman sa mga respondents ang nagsabi na undecided.



Nabatid na nasa +62 na lamang ang nakuha ng Pangulo noong Hunyo 2021.

Mas mababa ito sa +65 na nakuha noong Mayo 2021 at +79 na nakuha noong Nobyembre 2020.
Bumaba ang rating ng Pangulo habang nasa huling taon ng panunungkulan sa Malakanyang.

Samantala, hindi naman nababahala ang Palasyo sa pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maituturing pa rin itong very good.
Dagdag ni Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit na ang eleksiyon.

Natural lang ani Roque na sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang rating ng administrasyon para manalo.



Kung bumaba man aniya ang satisfaction rating ng Chief Executive ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.

May tatlong porsyentong margin error pa, ani Roque, kaya’t humigit kumulang ay di naman tataas ng 7 points ang ibinaba ng rating ng Presidente.

November 2020 naman nang makuha ng Pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 porsyento sa kabila ng COVID-19 pandemic. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)