Advertisers
Patay ang isang helper nang saksakin sa leeg ng kapitbahay sa Malabon City, Lunes ng madaling araw, Setyembre 27.
Kinilala ang biktima na si Ramil Sola, 38 ng Phase 3 Area 2, Maya-Maya St., Brgy. Longos.
Patuloy naman ang follow-up operation ng mga pulis upang maaresto ang salarin na si Eric Montillano, 28, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat, 3:30 ng madaling araw nang maganap ng insidente sa kahabaan ng Maya-maya Street.
Ayon sa report, dumating ang biktima sa kanilang bahay at sapilitan nitong binuksan ang pinto nito na naging dahilan upang magising si Montillano na natutulog sa kabilang pinto.
Kinompronta ni Montillano ang biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo kaya’t inawat sila ng saksing si Maricel Escoto, 39.
Matapos nito, umalis ang biktima subali’t lingid sa kanyang kaalaman sinundan siya ni Montillano at sinaksak sa leeg gamit ang isang matulis na bagay na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Napag-alaman na may matagal na umanong alitan ang biktima at si Montillano.