Advertisers

Advertisers

UP Security Bill magkakanlong lang ng mga komunistang-terorista

0 1,067

Advertisers

TANGING mga kriminal at mga komunistang-terorista lamang ang makikinabang sa itinutulak na panukalang batas na University of the Philippines (UP) Security Bill o House Bill 10171 na agaraang inaprubahan ng mayorya ng mga mambabatas sa Kamara.

Ito ang binigyang diin ni Associate Provincial Prosecutor at taga-pagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa Region VI na si Atty. Flosemer Chris Gonzales, nitong Lunes sa regular na ‘virtual’ na balitaan ng task force.

Sinabi ni Gonzales na hindi rin naayon sa Saligang Batas ang mabilisang pagtatangka ng mga kongresista na maipasa ang panukala dahil sa iilan lamang ang makikinabang dito at maiiwan ang mga mismong mag-aaral ng unibersidad, mga guro at maging ang mga may-ari ng mga negosyo sa loob ng anumang sangay ng UP.



Ito lamang aniya, ay magkakanlong ng mga kriminal at miyembro ng komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) .

“UP Security Bill pero pagbinasa natin yun laman ay tinatanggalan ng seguridad ang mga taga-UP mismo, lalo na yung mga kabataan yun mga estudyante. Dahil ang nilalaman ng Bill ay all prohibition referring to the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) and other law enforcement officers. Para bang sinasabi natin pag-pumasok ka sa lahat ng UP campuses, the AFP and PNP officers are at the mercy of the UP administration,” pagdidiin ni Gonzales.

“Kapag gumagawa kasi tayo ng batas, ang tanong lagi nating ay who benefits from the law? Etong House Bill 10171, the government will definitely not benefit from this. Etong mga students will not benefit from this. So, who will really benefit from this? The law breakers. Yung mga nagvaviolate ng batas,” dagdag pa niya.

Kung ganito raw ang mangyayari, sa laki ng mga campus ng UP, makakapagtago ang lahat ng pinaghahanap ng batas, pangunahin na ang mga miyembro ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF at malaya pa ang mga ito na mangrecruit ng mga estudyante na dapat ay ipinagbabawal ng panukalang batas.

Kaya nga raw di na pumayag ang Department of National Defense (DND) na ituloy pa ang kasunduan o ang UP-DND Accord ng 1989 dahil pinagbabawalang pumasok ng basta-basta ang AFP o PNP sa mga UP campus.



Samantala, ang dating Executive Vice President ng UP at Special Adviser for the National Task Force on COVID-19 Philippines, na si Dr. Ted Herbosa ay nagsabi naman na di na kailangan amiyendahan ang UP Charter o Republic Act 9500, dahil ang sinasabing Academic Freedom ay nakaangkop na dito.

Ayon kay Herbosa ang sinasabing academic freedom ay karapatan ng mga guro kung ano ang dapat at tama nilang ituro sa loob ng silid-paaralan.

“Actually, hindi ang mga tao o estudyante ang may academic freedom. Ang may academic freedom ay yung institution. So, lahat ng unibersidad, lahat ng institutions of higher education na under sa Pilipinas ay may academic freedom. Lahat sila ay layag na magdiskusyon ng mga iba’t ibang kaisipan—Communism, Socialism, Capitalism, Democracy, Federalism. Pwede nilang idiscuss iyan in the setting of a classroom. Now, kapag lumabas na sila sa kalye. Sino na ngayon ang responsible kapag nasa kalye na? Di ba ang estado?” ang paliwanag ni Herbosa.

Noon nga raw panahon niya sa UP na umiiral pa ang kasunduan ng unibersidad sa DND, lalong lumawig ang pangrerecruit ng CPP-NPA-NDF. Bukod pa riyan ay nagkalat pa ang iligal na droga, sugal at iba pang mga iligal sa loob ng campus, dahil pinababawalang pumasok ang AFP at PNP.

“Kaya agree ako, noong si DND Secretary Lorenzana ay hininto na ang DND accord,” ang sabi ni Herbosa.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Supreme Student Council of the Philippines National, External Vice-President Kim Soguilon na kung talagang isinusulong ng mga mambabatas ang academic freedom, bakit hindi sila magpasa ng batas na sumusuporta sa mga mag-aaral at magtutulak para sa kanilang mga seguridad at proteksiyon tulad ng sinasaad ng Magna Carta for Students.