Advertisers

Advertisers

Albularyo bulagta sa boga ng pasyente

0 306

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang senior citizen na albularyo sa pamamaril sa siyudad ng Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Ofelia Bangil Ariston, alyas Madam, 68 anyos, at residente ng Purok Bitara Barangay Rosary Heights 10 Cotabato City.

Ayon kay PNP Station 2 Chief, Police Captain Rustom Pastolero, na pinasok ng dalawang hindi kilalang salarin ang bahay ng biktima at nagkunwaring magpapagamot kung saan pinagbabaril nito ang albularyo gamit ang kalibre.45 na pistola.



Mabilis namang tumalilis ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo ng town proper.

Patay on the spot si Ariston ng magtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa biktima.