Advertisers

Advertisers

Opisina ng online seller bato ang tinda, ni-raid

0 707

Advertisers

Sinalakay ang opisina ng isang online seller ng mga gadgets nang ireklamong bato ang laman ng mga ipinapadala nitong parcel sa mga customer.

Nagsagawa ng surprise inspection ang Manila Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) at District Intelligence Division Special Mayor’s Reaction team (DID SMaRT) sa Apollo Electronics and Accessories Corp. sa second floor ng 1120 Otis Building sa Paco, Maynila nitong Martes ng hapon.

Nabatid na sinalakay ng mga tauhan ng SMaRT sa pangunguna ni PLt. Col Rosalino Ibay, kasama si Levi Favundo, chief ng Bureau of Permits Licensing Office ang isang bodega para beripikahin ang sumbong kaugnay sa mga Lazada parcels na naglalaman ng mga bato sa halip na mga produktong inorder.



Sa ulat, pag-aari ang bodega ng isang electronic seller kung saan mga gadgets gaya ng cellular phones ang ibinebenta.

Ayon sa report, 2:30 ng hapon nang salakayin ang bodega sa 1120 Otis St. Paco, nang magreklamo ang isang ginang na umorder ng isang cellphone at nang dumating bato ang laman.

Mayroon umanong 36 na account sa Lazada at shopee ang mga seller na nagbebenta ng pekeng android cellphones at naghahatid ng mga parcels na ang laman ay mga bato sa halip na mga order na cellphones.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga tauhan at ang may-ari ng kumpanya pero sa pakikipag-usap sa kanila ni Ibay, ipinaliwanag umano sa kanila na ang mga naka-pack na mga bato ginagamit lang nila para tumaas ang ratings ng seller.

Kaya iimbestigahan pa nila ang mga recipient na nakalagay sa parcel na may lamang bato, baka umano kasi fictitious names lang ang mga ito at ginagamit para magkaroon ng magandang comments at rating ang seller’s site.



Hinahanap pa nila ang iba pang nabentahan ng Apollo at nananawagan sila sa mga naging biktima ng seller na ito para mas mapalakas ang kasong isasampa sa may-ari na isang Chinese national.

Kinunan na nila ng salaysay ang 4 na tauhan at may-ari ng kumpanya at ihahanda na nila ang kasong isasampa gaya ng estafa in relation to cybercrime law, paglabag sa Consumer Act of the Philippines at pag-o-operate ng negosyo na walang business at occupational permit.