Advertisers

Advertisers

Sara-Bong Go nga ba o Sara-Bongbong?

0 374

Advertisers

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang nagsabi na Sara-Bong Go na ang tandem na kanyang isusulong at susuportahan sa darating na 2021 elections.

Ito ay makaraang personal na samahan ng Pangulong Duterte si Sen.Bong Go para magfile ng certificate of candidacy (COC) para bise presidente.

Ang naging pahayag ni Duterte ay tila salungat sa naging hakbang ni Mayor Inday Sara Duterte makaraang magsumite ng hiwalay na COC ito sa Comelec Davao City para sa posisyon bilang alkalde.



Malakas din ang usapan ng ayon sa ilang political bigwigs na “done deal” na Ang tandem ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at former Sen.Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa Eleksyon 2022.

Tila”fluid” pa ang mga kaganapan sa puntong ito at ayon pa sa mga political observers,posibleng isa itong gimik o political strategy ng kampo ng mga Marcos at Duterte.

Kung anu’t ano man,dahilan din ito upang magpahanggang sa ngayon (press time) ay di pa rin nakakapagsumite ng COC ang pambato naman 1Sambayan na si VP Robredo at ang umano’y running mate nito na si Sen.Antonio Trillanes.

Sa kabilang banda,nakapagsumite na ng kani-kanilang COCs sina boxing champ at Sen.Manny Pacquiaó at Manila Mayor Isko Moreno para presidente.

Tatakbong bise presidente ni Pacquiao ay si party-list Congressman Lito Atienza samantalan ka-tandem naman ni Moreno si Dr.Willy Ong.



Kung tayo ang personal na tatanungin, naniniwala tayong si Sara Duterte ay tatakbo ngang Pangulo with all indications pointing to that direction.

Kung sino ang bise presidente nya ay sa paniniwala natin ay si Bongbong Marcos at di si Send.Bong Go.

Di rin tayo naniniwala na magreretiro na sa pulitika si Tatay Digong dahil siya ang magiging substitute ni Sara once na mag withdraw ito sa pagtakbo bilang alkalde ng Davao City.

Overall,solid po ang paniniwala natin na kung magkakaroon ng continuity sa mga program at proyekto ng gobyerno ay tanging mga mamamayan ang direktang makikinabang.

Short of saying na pabor tayo sa lahat ng mga kandidatong ilalarga at ilalatag ng administrasyon para magkaloob ng serbisyo sa mamamayan.

Kung baga,iba na Ang may pruweba kesa sa puro dada.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com