Advertisers

Advertisers

Atty. Jinky Bitrics Luistro: Bagong lider, Bagong pag-asa

0 1,988

Advertisers

SAPAT na karanasan, kakayahan at malinaw na programang pangkaunlaran para sa ikalawang Distrito ng Batangas ang pangunahing layunin ng Larga Batangas 2nd District sa pangunguna nang ngayon ay pambato sa Kongreso na si Atty. Jinky Bitrics Luistro.

Dumaan man sa napakatinding pagsubok ng buhay matapos sampahan ang asawang si Mabini Mayor Noel Bitrics Luistro ng dalawang pekeng kaso ng panggagahasa subalit nanatili pa rin ang tiwala sa pamilyang Luistro upang pangunahan ang 2nd District ng Batangas.

Ayon kay Atty. Jinky Bitrics Luistro DISMISSED na ang kaso ng kanyang asawa at nagwagi ang katotohanan laban sa mapanirang paratang at pekeng kaso na itinuturing niyang POLITICAL HARASSMENT. Bagay na hindi naging hadlang para ipagpatuloy niya ang laban.



Sa kanyang pag-aaral, agad nakitaan ng husay at galing sa debate si Atty. Jinky Bitrics Luistro matapos mapabilang sa Debating Team ng University of Batangas na Champion sa Region 4 at lumaban sa National Competition. Ginawaran siya ng Cum Laude award sa pagtatapos ng kursong Bachelor of Laws at Liberal Arts-Commerce.

Habang full time professor sa Lyceum of Batangas, nagawa pa rin niyang makapag-aral sa UB College of Law bilang scholar sa tulong at patnubay ng may-ari ng Lyceum na si Peter P. Laurel. Sa ikalawang pagkakataon, muli niyang nakamit ang Cum Laude award sa UB College of Law.

Nagsimula ang malawak na karanasan ni Atty Jinky Bitrics Luistro bilang Executive Assistant ni dating DOJ Secretary Hernando “Nani” Perez na siyang professor sa UB College of Law. Taglay ang tibay ng loob at galing, naging Confidential Agent si Luistro ng Bureau of Immigration. Naging Consultant rin siya ng Witness Protection Program. Ipinagpatuloy naman nito ang gawain sa DOJ bilang State Counsel at kalaunan ay maging pinuno ng SPTF 156 investigation Team na humawak ng kontrobersiyal na kaso ng Tax Credit Scam sa panahon ni dating Pangulong Macapagal Arroyo.

There is no place like home kung kaya’t umuwi ito ng Mabini, Batangas at itinuloy ni Luistro ang public service para suportahan ang liderato ni dating Mabini Mayor Rowell Mendoza Sandoval. Sa puntong ito ng kanyang local public service, nakilala at naging kabiyak niya ang kasalukuyang Punong Bayan ng Mabini na si Mayor Noel Bitrics Luistro.

Isa sa naging pangunahing dahilan ng pag-unlad ng bayan ng Mabini ang naging mahusay na pagtutulungan nina Mayor Noel Bitrics Luistro at Atty. Jinky Bitrics Luistro bilang Administration Officer.

Ngayon isang 1st Class Municipality ang Mabini at maaring kandidato sa pagiging isang ganap na siyudad. Ito ang pagpapatuloy ng legasiya ng Larga Batangas-2nd District mula Mabini, Batangas na patuloy na pinagyayabong pa mula sa infrastracture hanggang sa social services at sa pagbibigay ng mas marami pang trabaho.



Malinaw ang tinatahak na programa ng Larga Batangas sa pagkatao ni Atty. Jinky Bitrics Luistro, ang pinagkaisahang isulong na lider ng 2nd District ng Batangas.

Ipinahayag ni Luistro ang layon ng programa na para sa BAGO at LUMANG henerasyon.

Nais ni Luistro na ipamahagi na ang SCHOLARSHIP PROGRAM ng gobyerno para sa lahat ng kabataan at pagsasaisang tabi sa kanilang indibidwal na kakayahan: MATALINO man o HINDI.

Gayundin ang pagdaragdag pa ng tulong na SUBSIDIYA para sa kanilang pang-araw-araw na gastos.

Ayon kay Luistro “Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan lalo na kung may sapat na edukasyon at kaalaman.”

Napapanahon na rin aniya na mas palakasin pa ang suporta sa mga SENIOR CITIZEN at pababain pa ang edad sa pagkakaloob ng reward ng gobyerno sa mga matatandang umaabot sa 100 taon sa mas mababang edad na 80 para mas makilala pa ang tulong na pera ng gobyerno at higit pang mapakinabangan.

Umuusad na rin ngayon ang proyektong WINDMILL sa Mabini para magbigay ng dagdag na SUPPLY NA KURYENTE kasama dito ang mga bayan sa 2nd District ng Batangas. Dagdag rin dito ang pag-angat ng TURISMO at pagbibigay ng maraming trabaho sa mga tao kapag ito ay napasimulan na.

Sa ngayon, dahil sa magandang tulong medikal ng MABINI COMMUNITY HOSPITAL, itutuloy rin ni Luistro ang ibayong suporta sa iba pang pang mga hospital na sakop ng 2nd District at ang suporta sa sektor ng KALUSUGAN.

Sa kabuuan ng Batangas 2nd District na kinapapalooban ng mga baybaying dagat na sentro ng Turismo, itataguyod ang kaunlaran ng Turismo at ang pagmamahal sa kalikasan.

At dahil sa nararanasang pandemya, higit pang pauunlarin ang sektor ng agrikultura sa pagtatalaga ng BATANGAS 2ND DISTRICT AGRICULTURAL CENTER. Aniya nasa agrikultura ang lakas para sa food sufficiency ng bansa.

Sa naging panayam sa radyo kay Atty. Jinky Bitrics Luistro, binigyang diin nito ang mga dapat kwalipikasyon ng isang lider. Aniya, dapat MAY PUSO SA PAGLILINGKOD, ANGKOP NA KAALAMAN AT SAPAT NA KARANASAN.

Nagpapasalamat naman si Luistro sa naging mainit na pagtanggap ng tao sa kanyang inihahaing programa sa 2nd District ng Batangas.