Advertisers

Advertisers

Titser sinita sa pag-absent ang binatilyong anak, pinatay at inihulog sa septic tank

0 20

Advertisers

NASAWI ang isang 46-taon gulang na babaeng guro nang pukpukin ng martilyo sa ulo ng kaniyang 15-anyos na binatilyong anak.
Nagulat ang mga residente ng Barangay Looc, Panglao, Bohol nang matagpuan ang bangkay ng guro sa loob ng isang abandonadong septic tank sa lugar noong Sabado, Oktubre 31.
Ayon sa Panglao Police Station, may humingi ng tulong sa kanila dahil nadiskubre ang napakaraming langaw sa septic tank.
Nang buksan ito ng barangay, nakita ang bangkay sa loob.
“Ang estimated time of death between 3:00 a.m. and 4:00 a.m. on October 31, 2026, with traumatic head injuries noted,” pahayag ng police station.
Sa hot pursuit operation, napag-alaman na ang binatilyong anak ng biktima ang gumawa nito, umamin sa awtoridad kinalaunan.
Nagkaroon aniya ng alitan ang mag-ina dahil sa pag-a-absent at cutting classes ng bata.
“Ginamitan niya ng martilyo at hinataw nang apat na beses,” dagdag sa pahayag.
Ang binatilyo mismo ang kumaladkad sa katawan ng ina papunta sa septic tank at ti-nabunan ng mga bato upang maitago ito.
Nakuha ng pulisya ang murder weapon na itinago ng binatilyo sa loob na kanilang bahay.
Tanging ang mag-ina lang ang magkasama sa bahay, ayon sa PNP.
Isasailalim muna ang binatilyo sa intervention ng Department of Social Welfare and Development na ngayon ay kinilala bilang Child in Conflict with the Law.