Advertisers

Advertisers

Drone bawal sa Makati buong Nobyembre

0 24

Advertisers

IPAGBABAWAL ang paggamit ng mga drone at iba pang unmanned aerial vehicle (UAV) sa Makati sa buong buwan ng Nobyembre.
Magsisilbing host ang lungsod ng mga pagtitipon para sa nalalapit na ika-49 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, ayon sa anunsiyo ng pamahalaang lungsod nitong Lunes.
Sa isang advisory na inilabas sa Facebook, sinabi ng lokal na pamahalaan na idaraos sa Makati ang iba’t- ibang aktibidad at mga pulong ng matataas na opisyal na da-daluhan ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas, mga pinuno ng ibang bansa, mga dignitaryo at mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Layunin ng pagbabawal na matiyak ang kaligtasan ng mga bisita at ng buong komunidad.
Bawal ang lahat ng operasyon ng drone, maging pang-libangan, pangkomersiyo o pang-media, sa lahat ng barangay at pampublikong lugar.
Nanawagan din ang lungsod sa mga residente at mga may-ari ng drone ng koo-perasyon at pang-unawa.
Gaganapin ang ASEAN Summit at iba pang kaugnay na pulong mula Nobyembre 16 hanggang 18 ngayong taon.