Advertisers

Advertisers

Pulis nasawi sa sariling baril

0 23

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang aksidenteng maputukan sa noo ng sariling ba-ril habang nasa official duty sa loob ng isang barangay hall sa Sampaloc, Manila, Lunes ng umaga, Nobyembre 2.
Dead on arrival sa Chinese General Hospital ang 35-anyos na pulis na may ranggong Patrolman at nakatalaga sa Sampaloc Police Station 4 (PS-4) ng Manila Police District (MPD), at residente ng Balut, Tondo, Manila.
Batay sa ulat ng MPD-PS4, 6:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng barangay hall ng Barangay 509, na matatagpuan sa E. Quintos St., malapit sa Dapitan St., Sampaloc.
Nauna rito, nasa official duty ang biktima, kasama ang ilang kasamahang pulis at nagsasagawa ng barangay visitation sa naturang lugar.
Gayunman, habang tsini-check umano ng biktima ang kaniyang baril ay aksidente itong pumutok at minalas na tamaan siya ng bala sa noo, nagresulta sa kaniyang aga-rang kamatayan.