Advertisers

Advertisers

HOT PURSUIT SA HOLD-UP: ISANG SEKYU, PATAY SA MORONG, RIZAL!

0 47

Advertisers

MORONG, RIZAL — Isang security guard ang nasawi matapos binaril ng dalawang armadong holdaper na nagnakaw ng P5,000 mula sa isang convenience store sa Barangay Bancal, Morong, Rizal kaninang madaling araw, Nobyembre 3.

Bandang 4:35 a.m., pumasok ang dalawang lalaki sa establisimyento at nagsagawa ng hold-up. Nang mapansin nilang minomonitor sila ng 29-anyos na sekyu sa CCTV, agad nila itong nilapitan at binaril sa ulo gamit ang kalibre .45 — na agad ikinamatay ng biktima.

Tumakas ang mga suspek sakay ng itim na motorsiklo patungong Tanay, Rizal. Agad na naglunsad ang Rizal PNP ng hot pursuit operation at sinusuri na rin ang mga CCTV footage sa mga pinagdaanan nito para mahanap ang mga may sala.



Nanawagan ang pulisya sa publiko: kung may nakakita o may impormasyon, huwag magdalawang-isip na lumapit sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya!

Matatandaan dati ng hinoldap ang isang tindahan ng Iphone sa ikalawang palapag na umano’y ikinamatay din ng isang biktima sa nabanggit na establisyemento. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">