Advertisers
Mula sa post ni Atty Carlo Ybanez, Nobyembre 2, 2026.
ISANG Judge ang sinuspende ng Korte Suprema dahil sa pagtatanong ng mga malalaswa sa isang 13-anyos na biktima ng child abuse.
Ito ang mga naging tanong ng Judge sa batang biktima:
“Bakit hindi mo kinagat ang tite?”
“Nag-enjoy naman siya sa mga ginawa mo?”
Yan ang tanong ng isang judge sa isang 13 year old na batang babae habang tumestigo yung bata sa sarili niyang child abuse case sa Family Court ng Sta. Cruz, Laguna.
Imbes na protektahan siya ng huwes, si Judge Suwerte Ofrecio mismo ang nanguna sa mga ganitong klaseng pagtatanong. Halos 2 and a half-hours daw niyang tinatanong ang bata ng ganito. Umiiyak na ang bata, tuloy parin siya.
Dahil dito, nagka-moderate to severe trauma ang bata. Imagine mo noh. Yung bata, kaya nagdemanda kasi nga may naranasan nang sexuyal abuse. Pero imbes na mabigyan ng hustisya, nakaranas pa ng ganyan dahil sa judge.
Kaya sabi ng Supreme Court, this constitutes Gross misconduct.
Suspended ng one year and one day, ang judge without pay.
According to the Supreme Court, ang mga tanong ay hindi clarificatory. Hindi rin kailangan para patunayan ang kaso. Sadyang pinapahiya lang nito ang bata.
Alam niyo ba na may special rule ang Supreme Court para sa mga batang witnesses. Dapat kontrolado ng judge ang pagtatanong para hindi ma-harass, hindi mapahiya, at hindi ma-trauma ang bata. Ibig sabihin, ang judge dapat ang tagapagtanggol ng bata sa loob ng court room.
Ang nangyari dito ay kabaliktaran.
Tama ang post na ito ni Atty. Ybanez. Nakakuha tayo ng aral, at ngitngit naman sa gagong Judge, na tama lang masuspende. Dapat nga matanggal ito sa pagka-huweseh!!!
***
SINAMPAHAN na nitong Martes, Nobyembre 3, ng Ombudsman ng kasong graft at malversation ang 13 indibidwal, ang anim ay mula sa DPWH Davao at ang pito ay privaye individuals, kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa P491 million ‘Road Right of Way’ anomaly.
Nagtungo ang Ombudsman sa Sandiganbayan dala ang mahigit dalawang dosenang trolley ng mga dokumento. Isinampa ang 18 counts ng graft at 18 counets ng malversation kada isa sa mga ito.
Pag nakitaan ng Sandiganbayan ng sapat na ebidensiya sa mga isinampang kaso, arrest warrant ang kasunod nito. Mismo!
***
NANANAWAGAN si Senador “Ping” Lacson para sa kanyang kapwa Senador, na nagtatago dahil sa arrest warrant ng ICC, na bigyan ito ng due process, harapin ang mga reklamo sa ICC, sa halip na maging marahas ang pag-aresto sa dating Chief PNP at naging-subordinate niya nung nasa PNP pa siya.
Si Dela Rosa ay produkto rin ng PMA. Co-perpetratror siya ni ex-President Rody Duterte sa kasong crme against humanity sa ICC.