Advertisers

Advertisers

SABWATAN SA SAKDAL LABAN KAY BA IPE

0 39

Advertisers

HINDI mahirap ipaliwanag ang maanomalyang pagdakip sa aming kabigan na mamamahayag na si Philip Lustre Jr., o Ba Ipe. Isang malawakang sabwatan na kinasasangkutan ng mga malalaking tao ang nasa likod ng pagdakip sa kanya sa pagtatapos ng Saturday News Forum, kung saan ang inyong lingkod ay ay isa sa mga convenor.

Una sa sabwatan si Mans Carpio, asawa ni Bise President Sara Duterte. Si Mans ang nagsakdal kay Ba Ipe sa Davao City Regional Trial Court Branch 10 kung saan kilalang pro-Duterte ang umuupong huwes. Ang huwes ng Davao City RTC Branch 10 ang lumagda ng arrest warrant ni Ba Ipe batay sa rekomendasyon ng City Prosecutor na pinsan umano ni Consuelo “Honeylet” Avancena, ang common law wife ni Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa ICC.

Kaya kasado ang sakdal laban kay Ba Ipe sa Davao City. Isang pangkat ng mga pro-Duterte ang lumuto sa asunto laban kay Ba Ipe. Ang problema ay hindi nila ganap na naluto ang sakdal dahil walang pag-aaral sa asunto. Mali ang address kaya hindi ito alam ni Ba Ipe. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili.



Hindi dito nagtapos ang isyu ni Ba Ipe. Nagkaroon ng fastbreak sa pagpapatupad ng arrest warrant. Nandiyan si Jonvic Remulla, ang kasalukuyang kalihim ng DILG na may kontrol sa PNP na siyang nag-serve ng arrest warrant. Inis si Jonvic kay Ba Ipe dahil isa siya sa mga tumawag sa kanya na JonWek dahil sa kahinaan ng loob at kakulangan ng tapang at tikas sa pagpapatupad ng batas. Hindi niya naipahuli ang mga kilalang pugante sa batas tulad ni Bato, Atong Ang, Bantag, at iba pa na pawang nagtatago.

Katulong ni Jonvic sa kapalpakan si Gen. Melencio Nartates, or kilala sa tawag na “Tateng.” Tulad ni Jonvic, pabaya si Tateng. Ito ang dahilan upang mapabilis ang ilegal na pagdakip kay Ba Ipe. May balita kami na kasapi sa kulto ang ilang pulis na kasama sa pagdakip. Kontrolado umano ng kulto ang Quezon City Police District. Totoo ba ito Brig. Gen. Randy Glenn Silvio.



Hindi rin nawawala sa ekasena ang hepe ng Station 10 ng QCPD dahil ang warrant section nila ang kaagapay ng isang team ng Cybercrime Division ng PNP sa pag-aresto kay Ba Ipe. Ano kaya ang masasabi ni Lt. Col. Arjun Belillla? Sama-sama sila sa isang malaking sabwatan.

Ang hindi inaasahan ay marunong magtanggol sa sarili si Ba Ipe. Kasama ang manananggol na si Dino de Leon, nilabanan nila ang masamang kalakaran sa hustisya ng bansa. Hindi inaasahan ni Mans na babalandra sa mukha niya ang sabwatan. Si Mans ngayon ang kontrabida. Hindi namin nakikita na susulong ang sakdal nya kay Ba Ipe dahil mali ang pamamaraan niya.



Tulad ng biyenan, asawa, bayaw, at iba pang Duterte, utak kriminal si Mans. Bagaman abogado, mahilig sa fastbreak. Mukhang tama ang sinasabi ni Ba Ipe na sila ang kumakakatawan sa tinawag niyang “Inferior Davao.”

***

Email:bootsfra@gmail.com