Advertisers

Advertisers

Mga badjao, nagsulputang parang mga kabute sa NCR

0 26

Advertisers

Muli na namang nagsulputangg parang mga kabute sa National Capital Region (NCR) ang sandamakmak na BADJAO.

Ang situwasyong ganito ay natataon sa pagsapit NG mga Ber months mula Septiyembre hanggang Disyembre.

Naglipanan ang mga ito sa lahat ng mga lansangan sa Kamaynilaan na Ang tanging pakay lang ay mamalimos.



Makikita ang mga ito sa mga matatao at mga lugar na dinadaluyan ng mga sasakyan pampubliko man o pribado.

Ipinapalagay na ang bilang ng mga ito ay aabot din sa libo na may kanya-kanyang destinadong mga lugar.



Grupo-grupo ito kung lumakad depende kung saan sila idedestino ng kanilang superior.

Iba-iba rin ang kanilang istilo sa panlilimos, may solo-solo na nag-aabot lang ng love letter sa mga commuter sa sasakyan.



Meron ding mga bata na sumasabit sa mga dyipni upang punasan lang ang mga sapatos ng pasahero.

Ang mga iba naman ay tandem ng mga nanay at Isang batang pasususuhin na tunay niyo namang kakaawaan.

Ganyan lamang ang kanilang pamumuhay sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Sa dami ng bilang ng mga ito, hindi ka magdududa na hawak ito ng Isang sindikato.

Impossible kasing lumuwas ng maynila ang mga ito upang mamalimos lang at saan kukuha ng pamasahe ang mga ito?

Mas lalo ring imposible na languyin ng mga ito mula Mindanao ang Maynila.

Malaki rin siguro ang kini-kita ng mga sindikatong nasa likod ng modus na ito dahil hindi sila magtiya-tiyaga kung talo sila sa gastos.

Ang mahiwagang taong dito ay kung saan naglalagi ang mga ito mula Enero hanggang Agosto.

Saan nakatira at sino ang nagpapakain dito ganong tapos na ang panahon ng kapaskuhan na kung saan lamang sila nakakadiskarte.

Malamang at siguradong malalaking tao rin ang nasa likod nito na sa ngayon ay hindi pa natin alam ang pakay at kanilang motibo.

Kung sino man ang ahensiyang nakakasakop nito, paki-imbestigahan naman dahil marami ang nagiging curious o di kaya’y ito ay Isang human interest din.