Advertisers

Advertisers

PAGPATAY DAHIL SA TSISMIS

0 25

Advertisers

NAPANOOD ko ang pagsisiwalat ni Noel Legaspi, dating opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ngayo’y pinuno ng Buklod Kapayapaan Federation Inc. (BKFI), na ang tsismis at sumbong ang madalas na naging batayan ng maraming pagpatay o tinatawag na “spy-tagging” na isinagawa ng New People’s Army (NPA) sa Negros.

Sa ginawa nga raw ng fact-finding mission ng BKFI., ayon kay Legaspi, kasama ang NTF-ELCAC, naitalang umabot na sa 99 ang biktima ng spy-tagging mula pa noong 2021.

Ang masakit na katotohanan – karamihan sa kanila ay mga ordinaryong sibilyan — maging mga dating kasapi na pinili na ang mapayapang pamumuhay.



Hindi ito hustiya. Hindi ito kapayapaan.
Ito ay kawalan ng katarungan, ayon kay Legaspi. Aniya panahon na upang tigilan ang karahasan. Ang mga inosenteng sibilyan ay hindi dapat pinapatay dahil sa haka-haka o tsismis lamang.

Mahalaga ang bawat buhay. Para Kay Legaspi kailangan panagutin ang may sala. Hustiya sa bawat biktima at sa kanilang pamilya!



Ayon kay Legaspi ang Negros Island ay naging training ground para sa mga nairecruit ng New People’s Army (NPA) kabilang diyan ang mga kabataang nanggagaling sa Metro Manila at ang iba ay mga banyaga pa.

Ang sabi naman ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, tagapagsalita ng Joint Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (JRTF6-ELCAC), ang mga parerecruit na ito ng NPA ay kasabay ng kanilang mga gawain na patayin ang mga pinaghihinalaan nilang ‘spy’ na tumutulong sa pamahalaan.



Inihayag nga ni Gonzales ang laman ng isa sa mga affidavit ng mga dating rebelde na hawak na ng Philippine Army, ng pulis at intelligence units, na nagbibigay ng mga pangalan ng mga NPA members na sangkot sa ganitong krimen.

Mahalaga niyan, ay panagutin ang mga NPA members na sangkot sa mga pagpatay ng mga sibilyan na galing lamang sa tsimis o’ maling akala.

Mayroon na nga raw 500 INDIBIDWAL na maaring makapagbigay ng impormasyon hinggil sa mga pagpatay na ito.