Advertisers
KALABOSO ang isang babae na tinaguriang source ng iligal na droga sa Quiapo, Maynila nang magpositibo sa ikinasang buy bust operation ng Manila Police District Station 14 sa San Miguel, Maynila.
Kinilala ang suspek na si Nasfira Abdulla y Nassir aka Lastrifa, residente ng #153 Marayag St., Brgy 648, San Miguel, Manila.
Ayon sa ulat kay NCRPO RD Vicente Danao, Jr., 8:30 ng gabi (Oct. 4) nang ikinasa ng MPD PS14 ang buy bust operation laban sa suspek na si alyas Lastrifa na sinasabing source ng shabu sa Quiapo at sa San Miguel, Maynila.
Nasabat sa suspek ang pitong piraso knot tied transparent plastic bag at siyam piraso heat sealed transparent plastic sachet na kapwa naglalaman ng shabu tinatayang may timbang 735 gramo at nagkakahalaga ng P4.9 milyon.
Nakumpiska rin kay Lastrifa ang isang timbangan ng iligal na droga at narekober rin ang ginamit na buy bust money sa operasyon.
Kasalukuyang nakapiit sa naturang prisinto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Violations of section 5 and Section 11 of RA 9165.