Advertisers

Advertisers

Casimero vs Butler nakatakda sa December 11 sa Dubai or Liverpool

0 273

Advertisers

NAKATAKDA na magharap sina WBO bantamweight champion John Reil Casimero at American challenger Paul Butler sa December 11 either sa Dubai, United Arab Emirates or Liverpool,England.

Ang bagong promotion Probellum, na pinamumunuan ng long-time boxing promoter Richard Schaefer, ang nanalo sa bidding ay walang tumutol sa halagang $105,000 ang hahawak sa WBO bantamweight title match.

Ayon sa ulat ng Boxing Scene, Casimero ay tatanggap ng 75 percent ng winning bid (78.750) bilang reigning champion, habang si Butler, bilang mandatory challenger, ay tatanggap ng natitirang 25 percent ($26,250).



Itataya ni Casimero ang kanyang bantamweight belt sa ikatlong pagkakataon simula makuha nakaraang November 2019 nang iutos ng WBO ang mandatory title fight nakaraang September 22.

Ang Ormoc,Leyte native boxer ay kagagaling lang sa split decision win kontra Guillermo Rigondeaux nakaraang buwan para umangat sa 31-4 rekord na may 12 knockouts.

Habang ang 32-yar-old Butler, na dating IBF bantamweight champion, ay sasandig sa kanyang walong sunod-sunod na tagumpay mula November 2018, na ang huling panalo ay laban kay Willibalo Garcia ng Mexico via split decision noong Hunyo para ibulsa ang bakanteng WBO international bantamweight title.

Ang panalo ni Butler laban kay Garcia ang nagtulak sa kanya para maging top contender laban kay Casimero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">