Advertisers

Advertisers

Bong Go sa mga kapwa kandidato… MAGSERBISYO MUNA, BAGO PULITIKA

0 222

Advertisers

Inihayag ni Senator at vice presidential aspirant Christopher “Bong” Go na nakapokus pa rin siya sa paglilingkod sa mga tao na siyang tungkulin niya bilang senador at public servant kahit isa siyang kakandidato sa darating na pambansang halalan.

Kaya naman hinimok ni Go ang mga kapwa kakandidato o ang mga nagnanais magkaroon ng puwesto sa 2022 na tularan ang kanyang ginagawa.

“Ako naman po magtatrabaho pa rin ako dahil senador po ako, hindi naman ako considered resigned, hindi naman po ako appointed or nasa appointive position, ako po’y halal,” sabi ni Go sa ambush interview ng mga mamamahayag kasabay ng inagurasyon ng Wellness Entertainment Sports o WES Arena sa Barangay Punturin, Valenzuela City nitong Huwebes.



“So ako po’y magtatrabaho pa rin po bilang Committee Chair on Sports and Committee Chair on Health. Magtatrabaho pa rin ho ako,” aniya.

Iginiit niya sa mga opisyal ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpo-promote ng interes at kapakanan ng mga Filipino, lalo ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.



“Lahat naman tayo. Kung sino po ‘yung may trabaho pa, ‘yung mga elected diyan na hindi naman considered resigned, magtrabaho muna tayo. ‘Yung iba naman po kahit na resigned kayo, kung gusto niyo makatulong, magtrabaho muna tayo dahil baka wala tayong pulitikang pag-uusapan kung hindi natin malalampasan ito,” sabi ni Go.

Ayon sa mambabatas, dapat iprayoridad ng bawat isa ay kung papaano makarerekober ang bansa sa pandemya bago pa ang kampanya.



“Pagkatapos ng filing, kalimutan muna natin ang pulitika, may panahon diyan sa Pebrero. Eh kung tataas na naman po ang kaso sa susunod na taon, sino po ang maghihirap? ‘Yung mga kababayan natin. Magsasara na naman ang ekonomiya, marami pong mawawawalan ng trabaho. Unahin muna natin ‘yung kapakanan ng ating mga kababayan,” ang apela ni Go.

Pangunahing concern ni Go ang kalusugan ng bawat Filipino kaya hinimok ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na.

“Sa mga kapwa ko kandidato, kapakanan ng Pilipino ang unahin natin lalung-lalo na ngayon naghihirap tayo. Malampasan muna natin itong krisis na ito. ‘Pag nalampasan natin sa susunod na taon, kumbati na tayo,” ayon sa senador.