Advertisers

Advertisers

Ika-142 Malasakit Center binuksan sa Valenzuela City

0 243

Advertisers

Personal na dinaluhan at pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-142 Malasakit Center sa Valenzuela Medical Center sa Valenzuela City.

Ito na ang ikalawang Malasakit Center sa lungsod, kasunod ng nasa Valenzuela City Emergency Hospital na binuksan noong August 2019.

Ito rin ang pang-27 Malasakit Center sa Metro Manila at ika-77 sa Luzon.



Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, matapos niyang masaksihan ang paghihirap ng low-income Filipinos na magkaroon ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan, naudyukan siyang lumikha pa ng health care policies na lalo pang magpapabuti sa medical care services.

“Ang Malasakit Center po ay batas na, isinulong ko noon kasama si Congressman Wes, Congressman Eric, Senator Win Gatchalian. Ang target po ng Malasakit Center zero balance para wala na po kayong babayaran sa inyong pagpapaospital. Para po ‘yan sa mga poor and indigent patients. Basta Pilipino ka, qualified ka po sa Malasakit Center,” paliwanag ni Go.



“Sabi ko bakit natin pahirapan ‘yung Pilipino… eh sa totoo lang pera n’yo ‘yan. Pera n’yo ‘yan, inyo po ‘yan, dapat po ibalik sa inyo sa mabilis na serbisyo. Iyan po ang Malasakit Center, inyo po ‘yan,” patuloy ni Go.

Nangako si Go na siya hindi siya titigil sa pagtataguyod ng mga programang makabubuti sa ating mga kababayan at ipagpapatuloy ang kanyang mga nasimulan.



“Tulad nitong Malasakit Center kung nakakatulong naman po sa mga kababayan natin, ipagpapatuloy natin,” ayon sa senador.