Advertisers

Advertisers

TOP 2 MOST WANTED NG EPD, ARESTADO ‘STATUTORY RAPE’ NG PASLIT!

0 3

Advertisers

Matagumpay na naaresto ng Eastern Police District (EPD) sa pamamagitan ng Pasig City Police Station ang Top 2 Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape at paglabag sa RA 7610.

Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Bert”, 52 anyos, noong gabi ng Hulyo 24 bandang 9:50 sa kahabaan ng Dr. Sixto Avenue, Barangay Caniogan, Pasig City.

Ito ay base sa utos ng hukuman mula sa Family Court Branch 12, Pasig City para sa dalawang kaso ng Statutory Rape sa ilalim ng RA 11648 at paglabag sa RA 7610.

Ayon sa biktimang 13 anyos na pamangkin ng suspek, paulit-ulit s’yang inabuso mula pa noong Oktubre 2023 hanggang Pebrero 2026. Natakot daw itong magsumbong dahil sa pananakot, hanggang sa magsumbong ito sa kanyang guro na agad nagbigay-alam sa kanyang ina—na naging daan upang isampa ang kaso.

Dinala muna ang suspek sa Rizal Medical Center para sa pagsusuri bago ikulong sa Pasig CPS habang hinihintay ang utos ng hukuman.

Pinuri ni EPD Director PBGen. Melecio Buslig Jr. ang matagumpay na operasyon: “Patuloy nating titiyakin na mapapanagot ang sinumang lumalabag sa batas, lalo na ang umaabuso sa mga bata. Hindi tayo titigil hangga’t hindi naibabalik ang katarungan at kaligtasan sa ating komunidad.” (Edwin Moreno)