Advertisers

Advertisers

Napoles, ex-official ng DAR kulong habambuhay

0 4

Advertisers

HINATULAN ng Sandiganbayan Sixth Division ng ‘guilty’ ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles at dating Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Jerry Pacturan ng 10 bilang ng ‘malversation of public funds through falsification of public documents’ kaugnay ng mahigit P50 milyong halaga ng pekeng proyekto para sa mga magsasaka sa Luzon.
Nahatulan din si Napoles ng 10 bilang ng paglabag sa ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’, habang napawalang-sala si Pacturan sa graft dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nasentensyahan si Napoles ng hanggang 20 taon pagkakakulong sa bawat bilang ng malversation at hanggang 15 taon sa bawat bilang ng graft. Si Pacturan naman ay hinatulan ng hanggang 19 taon bawat bilang ng malversation.
Ayon sa mga prosecutor, lumagda si Pacturan noong 2011 sa mga memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng 10 lokal na pamahalaan at 10 non-government organizations (NGOs) na konektado kay Napoles.
Nakasaad sa mga proyekto na tatanggap ang bawat LGU ng P5 milyon para sa farm inputs, ngunit lumabas sa paglilitis na hindi naipatupad ang mga proyekto.
Nagpatotoo rin ang walo sa 10 alkalde mula sa Bulacan, Batangas, Pangasinan at Quezon na peke ang kanilang mga lagda sa mga liham na humihiling ng pondo.
Nilinaw ng prosekusyon na ang mga kasong ito ay hindi kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) kundi sa regular na pondo ng DAR.