Advertisers

Advertisers

PAG-ARESTO KAY BATO MAGIGING MADUGO – DILG

0 1

Advertisers

PATULOY ang negosa-syon ng mga awtoridad para maaresto si Senador Ronald “Bato” dela Rosa habang iniiwasan umano ng pamahalaan ang isang malawakang operasyon na posibleng maglagay sa maraming buhay sa panganib.
Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na tumataas ang posibilidad na madakip si Dela Rosa, at maiharap sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity.
“If we go on a full operation, maraming mamamatay… because of the nature of the operations,” ani Remulla matapos ang pagdinig sa panukalang 2027 budget ng Department of the Interior and Local Government.
Dahil dito, sinabi niyang mas pinipili muna ng mga awtoridad ang negosasyon.
“A lot of people will be put in jeopardy, so the negotiations are ongoing… and we will smoke him out sooner or later,” dagdag niya.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police na 20 baril na iniuugnay kay Dela Rosa ang naisauli na sa mga awtoridad.
Tumanggi naman si Remulla na kumpirmahin kung bahagi ito ng ginagawang negosasyon, dahil maaari aniyang makompromiso ang operasyon.
Si Dela Rosa, dating PNP chief, ay inuugnay sa imbestigasyon ng ICC sa mga pagpatay na naganap sa kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
(Boy Celario)