Advertisers

Advertisers

DILG target mahuli si Zaldy Co in 2 weeks

0 2

Advertisers

TARGET ng Department of the Interior and Local Government na maaresto si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa loob ng tinatayang dalawang linggo.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, alam na ng mga awtoridad ang ki-naroroonan at address ni Co, na wanted kaugnay ng P7.4-billion plunder case sa umano’y anomalya sa flood-control projects.
Nakatakda ring magtungo si Remulla sa Lyon, France upang muling I-follow up sa INTERPOL ang kahilingan ng Pilipinas para sa ‘red notice’ laban kay Co.
Makikipag-ugnayan naman sa French authorities si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Iginiit ng DILG chief na kailangang dumaan sa legal at international procedures ang anumang pag-aresto kay Co sa ibang bansa.