Advertisers

Advertisers

GIBO, RISA KONTRA CHINA

0 4

Advertisers

LAKING tuwa namin ng nasaksihan at narinig ng insultuhin ni Gibo Teodoro ang China sa isang pandaigdigang pulong sa South Korea. Kasalukuyang nagsasalita si Gibo sa Seoul Security Dialogue nang may iniabot na kalatas na hindi pirmado tungkol sa paninindigan ng Peking tungkol sa usapin ng South China Sea.

Ayon kay Gibo, kalihim ng Tanggulang Bansa, may dalawang punto ang kalatas na mukhang galing sa China: una, pag-aari ng China ang halos kabuuan ng South China Sea; at pangalawa, hindi kinikilala ng China ang panalo ng Filipinas sa UNCLOS na nagbabasura sa kanilang pag-aangkin sa South China Sea.

Napanood namin ang video clip si Gibo ng abutan ng kalatas. Hindi siya nagpatumpik-tumpik at kagyat na sinagot ang kalatas bagaman bakas sa mukha niya ang pagkayamot. Diretso at walang ligoy ang tugon ni Gibo. “Hindi kataka-taka na sabihin ninyo na hindi ninyo kinikilala ang desisyon ng UNCLOS dahil talo kayo,” ani Gibo na walang gatol ang boses.

Hindi lang si Gibo ang may ganitong paninindigan. Sa Senado, hindi maitatatwa ang hindi pangkaraniwan na paninindigan ni Sen. Risa Hontiveros pagdating sa usapin ng panunuwag ng China sa mga karatig bansa tulad ng Filipinas. Malinaw ang mga pahayag ni Risa kontra China.

Mariing tinututulan ni Risa ang Nine-Dash Line, o ang naunang Ten-Dash Line, ang teorya na batayan ng Peking sa pag-aangkin na kanila ang halos kabuuan ng South China Sea. Ito’y kathang isip lamang, ani Risa. Wala itong batayan sa international law o legal na prinsipyo.

Ibinasura ang teoryang ito ng panalo ng Filipinas noong 2016 sa United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS), ang pandaigdigang kapulungan kung saan nilulutas ang hindi pagkakaunawaan ng mga bansa tungkol sa mga karagatan na sakop ng kani-kanilang teritoryo.

Hungkag at iresponsable ang paninindigan ng China na kanila ang halos kabuuan ng South China Sea, ani Risa. Hindi ito matatanggap ng sambayanang Filipino, aniya. Sa isang pahayag, hiningi niya sa sambayanan na tutulan at labanan ang pangangamkam ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea, lalo na iyong sakop ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

“We must draw the line and insist on the rule of law. Filipinos must make a united stand against China. It should realize the serious harm China has inflicted on us. China should look in the mirror before casting stones,” Risa said.

Dagdag ni Riza: “Whatever historical rights China may have had have already been settled by the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), which China itself ratified in 1996. The ruling by the Permanent Court of Arbitration, insofar as I understand it, is clear on at least two points: That China’s historic rights were extinguished to the extent that they were incompatible with the Exclusive Economic Zones (EEZ) provided for in the Convention, and that China violated the Philippines’ sovereign rights by interfering with fishing and petroleum exploration, constructing artificial islands, and failing to prevent Chinese fishermen from fishing in the zone.”

***

Para kay Gibo, hindi tinatanggap na international community ang pag-angkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea at tanging ang China lang ang naniniwala na pag-aari nila ang South China Sea. Hardline rejection – ito ang paninindigan ni Gibo. “No one supports China’s claim to own almost the entire South China Sea. Only China believes what they are saying,” ani Gibo ng walang duda.

“Hindi gumagawa ng anumang kaguluhan ang Filipinas sa West Philippine Sea at sa kabuuan ng South China Sea,” aniya. Hindi nalalayo ang paninindigan ni Gibo kay Risa. Sa totoo lang, halos magkatugma at hindi nakapagtataka kung magkakasama silang tatayo sa ganitong posisyon.

Sa Seoul Defense Dialogue noong ika-8 ng buwang ito, hindi nangiming sumagot si Gibo sa kalatas na ibinigay sa kanya habang nakikipagtalastasan siya sa isang panel discussion. Sinabi ng kalatas na hindi kinikilala ng China ang arbitral award na nagpapawalang bisa sa historical claim ng Peking sa South China Sea. “Of course, because you lost,” Tito ang mga katagang binitiwan ni Gibo bilang sagot sa kalatas na kampi sa China.

“I think this is from China… You should have joined the… and may I read it? ‘China’s position on the South China Sea arbitration is clear, consistent, and firm.’ They have no position!’ ani Gibo. “The so-called award is illegal, null and void.’ So say you. ‘And has no binding force.’ Because you don’t want to be subjected to UNCLOS,” ani Gibo.

Tinawag ni Gibo na kabastusan ang ginawa ng China na magpadala sa kanya ng kalatas na walang pirma. Binastos ang Filipinas at kahit ang host ng pandaigdigang pulong, aniya. “How do you expect to deal with it civilly? I ask you a question: Is this right to pose to me when I am being asked a question on floor? And how will you treat this kind of behavior?” ani Gibo.

***

SA pagpapatuloy ng impeachment trial sa Lunes, 18 senador na lang ang aktibong nakikilahok at mga pagdinig. May katwiran na ibaba ang voting threshold sa 16. Kaya 14 lang ang kailangan boto upang ilaglag si Misfit Sara. Pero ang balita namin, may 16 na senador ang nakatakdang bumoto na “guilty” si Misfit.

Hindi na kailangan ibaba ang voting threshold kasi may nakuhang boto na ang mayorya upang tuluyang sibakin si Misfit Sara at hindi na makasali sa mga susunod na halalan. Ubos ang mga Duterte. Wala na silang ngipin at tinig upang tumahol at makapaminsala sa bayan.