Advertisers
MATINDI ang agimat ni Aling Judith na gambling at illegal drug maintainer sa lalawigan ni Laguna Governor Sol. Aragones. Maraming nagsasabi na hindi lamang malakas ang karisma ni alyas Judith sa kapulisan, kundi bagyo rin ito sa tanggapan ng gobernadora.

Umiiral daw ang pagiging “Pusong Mamon”, palibhasa ay isang babae ang punong lalawigan, kaya di maipagiba ni Gov. Aragones ang mga nilulumot na sa katagalan ng puesto pijo na iligal na pasugalan ni alyas Judith.
Sa Brgy. Balibago, Sta. Rosa City ay gabi’t-araw ang ibat ibang uri ng operasyon ng madadayang pasugal ni alyas Judith, ratsada ang mga color games, drop balls, iba pang ilegal na sugal at bentahan ng shabu. Sa Brgy. Sto. Domingo malapit sa Biñan City Public Market ay ganon ding senaryo ang pasugal at salyahan ng droga.
Gayunman, palibhasa ay ipinagmamalaking pasok siya sa tanggapan ni PNP Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay ay dedma lang sa mga kabulastugang ito ni alyas Judith ang tanggapan ni Laguna Acting PNP Provincial Dir. Col. Sandro Jay DC Tafalla at ang mga police chief ng Sta. Rosa City at Biñan City.
Atasan sana ni Gov. Aragones at Gen. Baccay si Col. Tafalla na lipulin ang mga illegal vices sa kanilang lalawigan. Ang mabagal na pag-aksyon ni Col. Tafalla ang maglalagay sa alanganin ng magandang imahe at political career ng gobernadora at ng heneral.
***
Sarado ang isipan, nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan na lamang ang sinumang Pilipino na hindi pa naniniwalang nalustay ni Inday Sayad ang salapi ng bayan sa porma ng Confidential Intelligence Fund.
Nai-release sa dalawang military official na pinagkakatiwalaang indibidwal ni Inday Sayad ang Confidential Intelligence Fund (CIF) na walang fidelity bond, kaya’t hindi protektado ang kwarta ng mga mamamayan. Ang pagbibigay ng CIF sa sinumang military officer na hindi fidelity bonded ay tandisang paglabag sa government Joint Circular No. 2015-01.
Saan nga kaya dinala ng dalawang military officer ang kanilang nakulimbat na tinatayang mahigit sa kalahating bilyon na CIF, na maging ang abogadong Intsik na katiwala ni Inday Sayad ay hindi sya napagtakpan at ang tanging sagot at wala akong alam o walang kaalam-alam? May karugtong.
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144