Advertisers
May ilang lumiham sa inyong lingkod upang humiling na ipaabot ang kanilang lubos na pasasalamat kay Mayor Emi Calixto- Rubiano, sa pagkakaroon ng opisyal na kagaya ni Ms. Maria Luisa Miranda, Administrative Assistant 1 ng Assesor’s Office sa Pasay City Hall.
Nagtungo doon ang nagpadala ng liham para magtanong ukol sa dapat na bayarang amilyar.
Malugod, matiyaga at nakangiting ipinaliwanag ni Ms. Luisa ang lahat pati na ang mga proseso na dapat gawin, kaya naman natuwa sa kanya ‘yung mga nagtanong. ‘Yan din ang komento ng iba pa niyang nakausap. Smiling face daw talaga siya.
Napakasipag na lumabas pa ito mula sa lugar kung saan siya nakaupo para lamang mag-assist sa mga katanungan ng mga nagtungo sa nasabing tanggapan. Matiyaga din nitong kinuha ang opinyon ng mga kasamahan na pinuntahan pa niya isa-isa para tiyakin lamang ang impormasyong ibibigay sa mga nagtatanong sa kanya, bilang karagdagan sa kanyang nalalaman.
Di pa diyan natapos ang lahat dahil kinabukasan, may nagpunta na taga-assessor’s office, si Mr. Patrick Villanueva, na siyang nagsagawa ng inspeksyon sa lugar upang kaagad na magawa ang mga kinakailangang papeles.
Napaka-efficient at ubod ng bait ng mga taong nagsisilbi sa Pasay City Hall at masuwerte si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pagkakaroon ng mga tauhang gaya nina Miranda at Villanueva dahil dala ng kanilang magandang serbisyo ang papuri ng mga residente ng Pasay City na kanilang nakakaharap sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Kaya naman hindi nakakagulat na nag-number 2 si Mayora sa listahan ng ‘Top Performing, Most Trusted City Mayors’.
Nakakuha ng 85.7% Index of Governance ang Ina ng Lungsod Pasay na si Mayor Emi batay sa Boses ng Bayan – Trust/ Performance Rating ng RP Mission and Development Foundation (RPMD).
Mayroong 84.8% Trust 86.6% Performance Rating si Mayor Emi batay sa survey na isinagawa mula Abril 1-8, 2026 kung saan kinilala ang Punong Lungsod bilang isa sa mga Top-Performing Mayors ng Kalakhang Maynila.
Nakabatay ang survey hindi lamang sa popularidad kundi sa aktwal na pagtugon at pagbibigay ng serbisyo publiko at tiwala ng mamamayan.
Hindi lamang siya sa pangangasiwa ng lungsod magaling kundi maging sa pag-aalaga ng mga empleyado. Meron pala itong pa-raffle sa mga empleyado nito lamang nakaraang Sept. 23, 2026. Ibig sabihin lang, may pakisama siya sa mga empleyado niya.
Sana, lahat ng local government units ay may mayor at mga empleyadong gaya ng aking mga nabanggit.
Congratulations, Pasayenos!!!
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.