Advertisers

Advertisers

Lacson, naglatag ng panibagong ebidensya sa ghost projects sa Taguig

0 8

Advertisers

INILATAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panibagong alegasyon ng umano’y double billing at double collection sa mga infrastructure project sa Taguig City, kasunod ng aniya’y nadiskubreng magkaparehong larawan na ginamit sa magkaibang proyekto at isang slope protection project na umano’y dalawang beses na napondohan.

Sinabi ni Lacson, kabilang sa mga bagong ebidensiya ang dalawang magkaibang proyekto na may magkahiwalay na budget appropriation, technical description, lokasyon at contractor ngunit iisang larawan ang ginamit bilang batayan sa billing. Binanggit din niya ang isang slope protection project na may iisang lokasyon at technical description ngunit nakatanggap umano ng dalawang magkahiwalay na appropriations na kapwa na-bill at nakolekta.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Lacson kung maituturing na ba itong mga criminal acts, at sinabing ihaharap ang buong detalye at mga ebidensiya sa Office of the Ombudsman o sa Senate Blue Ribbon Committee kapag nagsimula ang imbestigasyon.



Magugunitang nauna nang sinabi ng senador na lumalakas ang kasong kanilang binubuo kaugnay ng umano’y maanomalyang infrastructure projects sa Taguig, habang iginiit naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na walang ghost projects sa lungsod at hinamon si Lacson na maglabas ng ebidensiya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">