Advertisers

Advertisers

NAWAWALANG ESTUDANTE NA NAG-VIRAL SA VIDEO, NATAGPUANG LIGTAS SA SAN PABLO, LAGUNA

0 23

Advertisers

ISANG 21-anyos na fourth-year student ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), na iniulat na nawawala mula sa Taguig City, ay natagpuang ligtas sa San Pablo, Laguna, noong Oktubre 30, 2026.

Nakatulong ng malaki sa paghahanap sa nawawalang si alyas “Ela” ang nag-viral na video ng kanyang mga magulang nang magpaunlak ng panayam sa television network kaugnay sa paghingi ng tulong sa nawawalang estudyante matapos isagawa ang forward tracking review sa kuha ng mga CCTV kung saan siya huling nakita na umalis ng kanyang tahanan noong Oktubre 25,2026 sa Barangay Pinagsama, Taguig City.

Nahanap si Ela bandang 8:00 p.m. noong Biyernes, Oktubre 30, 2026, sa isang apartelle/hotel sa San Pablo, Laguna, sa pamamagitan ng pinagsamang koordinasyon sa pagitan ng Taguig Police at Laguna Provincial Police.



Sinabi ni Ela sa mga awtoridad na umalis siya ng bahay dahil sa mga problema sa pamilya. Inamin ng dalaga na una niyang tinangkang magpatiwakal sa isang resort sa Laiya, Batangas, sa pamamagitan ng pagkalunod nang mamalagi siya doon.

Bago aniya siya makuha ng mga awtoridad, tinangka niyang magbigti sa tinutuluyang hotel, patunay ang nakitang bakas sa kanyang leeg na palatandaan ng tangkang pagpapatiwakal.



Aminado si Ela na nakakaranas siya ng matinding kalungkutan at pagdurusa sa isip at damdamin kaya’t naglayas siya at nagtangkang magpakamatay.

Inirekomenda ng WCPD na madala sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) si Ela subalit nagpasiya ang kanyang mga magulang na sa isang pribadong ospital na siya dalhin para sa wastong intervention at mabilisang pagkakaloob ng atensiyong medikal na pangkaisipan. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">