Advertisers

Advertisers

RED CROWN NG GMA PICTURES AT CHAVIT SINGSON PASABOG

0 31

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Pasabog ang collaboration ng GMA Pictures at dating Gobernador (ng Ilocos Sur) at mayor (ng Narvacan, Ilocos Sur) Luis ‘Chavit’ Singson sa pelikulang “Red Crown” directed by Dominic Zapata.

In fairness kay direk Dominic he always deliver mapa-pelikula man o telebisyon.



Umpisa pa lang, ang husay ni Herlene Budol, lutang na lutang siya sa mga eksena niya at effective ang bawat punchline niya tuwing bibitaw siya ng dayalog. Sayang nga lang at… no spoiler, watch kayo ng movie na showing ngayon sa mga sinehan nationwide!

Napakaganda ng rehistro onscreen ni AZ Martinez at pasabog ang pagrampa niya na naka-swimsuit, ganoon din sina Sanya Lopez at Ahtisa Manalo.



At si Sanya, aktres talaga, walang patid ang mga luha niya sa mga dramatic scenes niya.

Si Michelle Marquez Dee, very fierce ang karakter, at may very light touch siya ng ina niyang si Melanie Marquez kapag nagko-comedy.



Si Faith Da Silva na super kamukha ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, very effective kontrabida na hindi OA sa pagkasalbahe.

Pasable ang akting ni Ashley Ortega at puwedeng-puwede siyang sumali sa anumang beauty pageant kung gugustuhin niya.

Maraming highlights si Shuvee Etrata na keri naman niya, at nagpaka-aktres sina Mary Jean Lastimosa, Gazini Ganados, at Ariella Arida.

May pagka-“Squid Game” ang “Red Crown”, huh!

Markado rin sa pelikula sina Ruffa Gutierrez at Michael Sager, may onscreen chemistry sila ni AZ, sa totoo lang.

Handog ng Team AZ Official at Sparkle GMA Artist Center ang dinaluhan naming block screening ng “Red Crown” sa Cinema 16 ng Gateway 2 Mall sa Cubao, Quezon City.