Advertisers
Kasama sa mga katangiang hanap ni Kris Aquino sa magiging asawa ng anak niyang si Bimby ay maganda at hindi ‘pa-cute-cute’ lang.
Sinabi ito ni Kris nang maging guest ni Boy Abunda sa Fast Talk.
“Anyone who will become Bimb’s girlfriend and his wife in the future, sinasabi ko na naka-jackpot ‘yung babaeng ‘yun kasi maalaga si Bimb, mapagmahal, and I am so definite na he will be 100% faithful,” ani Kris.
Bagama’t posible umanong isipin ng iba na masyadong mababaw ay gusto niya pa rin na maganda ang babae
“Pinagdarasal ko talaga, sana maganda ’yung girl. I’m sorry. I know it sounds na parang, ‘Wow. She hasn’t changed. Medyo mababaw!’”
“Pero you know, baka magpa-cute pa-cute lang tapos nag-make up, eh paano ’pag nawala ’yung makeup tapos hindi siya gano’n kaganda?” sey pa ni Kris.
Sinaway naman ito ni Boy dahil baka raw makagalitan sila ni Bimby.
“Alam mo ikaw? Kagagalitan tayo ni Bimb!” ani Boy.
Katuwiran naman ni Kris kaya niya bet ang maganda ay dahil si Bimby ang magdadala ng pangalan ng mga Cojuangco-Aquino.
Bukod sa maganda, kailangan siyempre na maganda rin ang ugali ng magiging asawa ni Bimby.
“I’m sure hindi siya magmamahal ng someone na pangit ang ugali,” dagdag pa ni Kris.
Bahagya naman itong bumawi at sinabing lahat naman ng mga girls na konektado kay Bimby na kanyang nakilala ay magaganda at mga smart pa.
“So far, all the girls that I’ve met, all are pretty. And all are smart,” ani Kris.
Sa mga katangiang ito ng future daughter-in-law, napatanong naman ang ilang mga mahaderang faney, kung papasa daw kaya kay Kris si Ryzza Mae Dizon.