Advertisers

Advertisers

KOMITE NI TULFO, ISINUSULONG UAE-PH PARTNERSHIP PARA SA OIL STORAGE FACILITY

0 26

Advertisers

ABU DHABI, UAE — Upang mas patatagin ang suplay ng langis at kuryente sa bansa, isinusulong ni Senador Erwin Tulfo, Chairman ng Senate Energy Committee, ang pakikipag-ugnayan sa United Arab Emirates (UAE) sa pamamagitan ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC). Layunin nitong magtayo ng isang malaking imbakan ng langis na magsisilbing regional oil hub.

Sa ginanap na bilateral discussions noong 29 Oktubre, ipinahayag ng delegasyon ng Pilipinas sa pamumuno ni Tulfo kasama sina Philippine Ambassador to UAE H.E. Alfonso Ver at Special Envoy Kathryna Yu-Pimentel na kayang maisakatuparan ang oil hub sa pamamagitan ng pagtutulungan ng magkabilang pamahalaan at ng mga pribadong kompanya.



“Pinapabilis natin ang pagtatayo ng imbakan ng langis dahil malaki ang maitutulong nito sa mga Pilipinong nahihirapan tuwing nagmamahal ang presyo ng petrolyo at kuryente dahil sa wala talaga kami masyadong access sa suplay,” pahayag ni Tulfo sa mga kinatawan ng UAE.

Sumang-ayon naman ang UAE, sa pangunguna ni ADNOC Chairman Sultan Ahmed-Al Jaber, sa panukala. Aniya, kasalukuyan na silang nagpapadala sa Petron ng humigit-kumulang 40,000 bariles ng langis kada araw, at ayon sa kanila, mas mapaparami pa ito kung maitayo ang oil facility.



Handa rin ang UAE na ipagpatuloy ang mga pag-uusap at nagpahayag na magpadala ng halimbawang kontratang maaaring  mapag-aralan ng pamahalaan ng Pilipinas.

Target na simulan ang proyekto sa ikalawang bahagi ng 2027, kapag napagkasunduan na ang eksaktong lokasyon, gastusin, at iba pang detalye.



Bukod sa imbakan ng langis, maaari rin itong maging daan para sa mas malawak na pagtutulungan sa iba’t ibang uri ng enerhiya, tulad ng pagpapatayo ng mga pasilidad para sa langis, kuryente, at renewable energy.

Binigyang-diin ni Tulfo na bagama’t pinag-aaralan pa ang buong plano, gagawin niya ang lahat upang maipatupad ang naturang proyekto para sa sapat at murang supply ng enerhiya sa Pilipinas.