Advertisers

Advertisers

Hustisya sigaw ng mga magulang ni Kenneth Ponce

0 556

Advertisers

NOONG UNA sa inaakalang hit and run pero tama pala ng bala ng baril ang ikinamatay ng 20-taong gulang sa Kawit, Cavite base sa imbestigasyon ng mga otoridad.

Ang biktima ay kinilalang si Kenneth Ponce, 20 taong gulang, siklista ay kasalukuyang nakaburol at huling lamay ngayong araw sa Manila Momorial Parañaque City kung saan labis-labis ang paghihinagpis ng kanyang mga magulang, kaibigan at kamag-anak.

Ayon sa ulat, mula Kawit, Cavite papauwi na sana ang biktima sa kanyang bahay sa Parañaque City sakay ng kanyang bisikleta linggo ng gabi (Oktubre 3), subalit ito na pala ang kanyang huling padyak ng matagpuang nakahandusay na wala ng buhay kalsada, kung saan nahagip pa ng CCTV ang pagdaan nito sa may Barangay Tabon 1, Abaya Road, Kawit Cavite.



Nakapagtataka rin dahil nawawala ang bisikleta ng biktima na ilang taon din niyang pinag-ipunan.

Ayon kay ginang Girlie Ponce, ina ng biktima, na mahirap isipin na ng dahil lamang sa biskleta nawala ang kanyang anak.



Pagnanakaw din ang mas matimbang na nakikitang motibo sa krimen ayon kay PMaj John Conrad Villanueva, OIC Kawit Municipal Police Station.

Malaking hamon din ngayon sa mga imbestigador dahil wala pa silang nakukuhang saksi dahil ayon sa kanila sobrang dilim sa lugar na tinatawag nilang by-road kapag dis-oras ng gabi kung saan natagpuang ang biktimang nakahandusay.



“Maaring walang nakakita sa pangyayari pero sinisiguro ko sa inyo nakatingin sa inyo ang nasa itaas”. – ayon kay Andrew Ponce, ama ng biktima.

Katarungan ang hiling ng mga magulang ni Kenneth. Hulihin ang demonyong kriminal na pumatay sa kaawa-awang biktima.

Samantala ayon naman sa ilang residente na nakausap natin, sunod-sunod na umano ang insidente ng nakawan ng bisikleta sa ibang bayan sa lalawigan ng Cavite ang nakuhanan ng CCTV na itinuturing na rin itong alternatibong transportasyon sa ilalim ng new normal sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Katunayan umano ang kuha ng CCTV sa ibat-ibang bayan partikular na sa Guevarra Zone 1, Dasmariñas, Cavite kung saan kitang nakaparada ang bisikleta ng tangayin ng mga kawatan.

Ang masakit nito ninakawan kana papatayin kapa?

Diba nga sinasabi sa sampung utos ng Diyos, sa pang -5 “huwag kang papatay”? Bakit ka pumapatay?

Sana hindi ka patulugin ng konsensya mong animal ka kung sino kaman!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com at ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!