In 2 weeks time… Youtube Channel ni Congw Vilma Santos almost 100k na ang subscribers; Lala Lopez bibigyan ng break ni Direk Reyno Oposa
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
FEEL ni Congw Vilma Santos na makipag-interact sa kanyang Vilmanians lalo na ngayong pandemic. Ito ang way ng Star for All Seasons para magkaroon ng communications sa lahat ng fans and supporters.
Kaya aside sa kanyang Facebook account na maraming followers at nakakapagtala ng 1.2 million views sa kanyang FB Live ay nagtayo na rin si Ate Vi ng sariling Youtube Channel na Vilma Santos-Recto na in 2 weeks time ay halos 100K na agad ang subscribers.
Maging ang views ng sikat na actress-politician sa una niyang live sa YT Channel ay pumalo agad ng 362K views (still counting). Dito ay kinwento niya ang kanyang trophy collections na nakamit niya sa iba’t ibang award giving bodies.
In all fairness, mahusay na vlogger si Ate Vi at may future siya rito.
***
NANG makita namin ang photo ng bagong alaga ni Direk Reyno Oposa na si Lala Lopez, na-remind kami sa mga dating sumikat na morenang seksing aktres noong 80’s na mga nag-reyna sa takilya.
Hindi lang star material si Lala pwede rin siyang maging beauty queen na posibleng magkaroon ng title in the future. Well, nang aming tanungin si Direk Reyno kung ano ang mga plano niya para sa bagong protegee na pamangkin pala niya in real life, marami raw siyang plans for Lala, isa na rito ay bago niya (Oposa) isalang sa una niyang pelikula ang nasabing talent ay ipapa-acting workshop muna niya ito.
Mas maganda raw ‘yung handa na talaga bago ito isabak sa movie para hindi mabigla lalo na sa mga heavy drama scene. Bago mag- Pasko ay balik Pinas na si Direk Reyno, at marami siyang naka-line up na projects this year and next year kabilang na ang “DisiOtso Movie Series” na pagbibidahan nga ng isa pang alaga sa Ros Film Productions at Collabros Artists na si Alquin Gaddi.
Samantala, nanghihinayang pala ang kaibigan naming director and film producer sa hindi pagkakatuloy ng supposedly baby project na “Wild Butterflies” dahil sa pandemya. Dapat ay natapos na niya itong gawin noong 2019 na maituturing sanang isa sa pinakamagandang obra.
***
Liza Dea At Daughter Na Si Alyssa Fly Sa Chicago Para Sa Wedding Ng Lawyer Daughter
All set na ang wedding sa Chicago ni Atty. Maureen na daughter ng beauty naming Amiga from San Francisco, California na si Liza Dea. Bago ang wedding, buong family ay umattend din sa bridal shower para kay Atty. Maureen. Last October 6 ay fly ng Chicago si Liza kasama ang daughter na si Alyssa at iba pang anak. Yes, kumpleto silang pamilya sa nakatakdang wedding ni Maureen at kanyang fiance at lahat sila ay nagpa-swab test bilang pagsunod sa health protocols.
Gusto ni Liza na maging special ang kasal ng anak kaya lahat ng pwedeng i-contribute ay kanyang ginawa para mapasaya si Maureen sa araw ng wedding nito. We heard na ‘yung isusuot ng friend (Liza) naming ito ay nagkakahalaga ng milyon. Yes, pawang branded ang gamit ng nasabing socialite businesswoman from Cebu.