Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SA interview kay Kim Atienza sa online ng GMA Network ay inamin nitong nang magdesisyon na maging Kapuso ay wala sa option niya ang GMA dahil wala naman offer sa kanya ang network.
Kasama ang mga kaibigan ay nag-seek siya ng opinion at humingi ng sign sa kanyang gagawing desisyon.
At dumating nga ang sign nang tawagin siya ni Alden Richards habang bumababa sa gym. Kaya naman kaagad na sinabi sa kanya (Kuya Kim) ng mga kaibigan na, “di ba, taga GMA siya!” Kasunod na tumawag sa kanya si Angel Javier na Vice President ng GMA Corporate Affairs and Communication. Pagkatapos ay tumawag si Annette Gozon Valdez, GMA Picture President.
“All in that same day kaya kinilabutan ako. Sabi ko, Lord, yung sign na ibinigay mo, ang linaw.”
Kaagad naman nilinaw ni Kuya Kim ang balitang siya ang papalit kay Mang Tani, weather forecaster sa 24 Oras.
“Hindi totoo, I will be there to support him. Hindi naman ako papayag kung ang pagpasok ko sa top-rating newscast would mean another person`s loss of opportunity.”
Samantalang may appreciation post si Kuya Kim kay Dingdong Dantes na pinasalamatan niya ang guidance ng actor.
“A post of appreciation to a dear friend and brother @dongdantes.
“There are so many roads we travelled, running, cycling and motorcycling together I`d like to thank you for the guidance the fun and the loyal friendship you`ve shown me these years.
“Here`s to many more miles as I take this new fork on my road in full faith.
“Salamat Kumpare. Iba ka talaga.”
Sumagot si Dingdong ng, “Solid memories, Kuya. Looking forward to more adventures on and off cam with you…lalo na`t Kapuso ka na. Cheers!”
***
MARAMING netizens ang naaliw sa isang araw na pagiging yaya ni Piolo Pascual sa anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo.
Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Dra Vicki ang larawan nina Piolo at Scarlet habang naglalaro.
“ 5 years later and @scarletsnowbelo`s wish finally came true. Thank you @piolopascual for being Scarlet`s yaya for the day!” say ni Dra. Vicki sa larawan.
Sa kanyang IG post naman ni Scarlet ay pinagkaguluhan din ang same photos.
“Kuya @piolo pascual has discounted pandemic rules for his babysitting services! Book now! I`m his agent,” post ni Scarlet.
“I think it`s the other way around…didnt you babysit me?” sagot naman ni Piolo sa comment section.
At tulad ng inaasahan sangkatutak ang nag-react at puri ng netizen ay kung gaano kaguwapo ang yaya ni Scarlet. May nagbiro na magpapa-book din sila.
May netizen naman ang nagtanong, “PapaP kailan ka ba magkaka-baby like scarlet..super cute and smart.”