Advertisers
INILATAG ng Commission on Elections ang election calendar activities para sa May 9, 2022 national and local elections.
Kahapon lamang natapos ang isang linggong paghahain ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) ngunit hindi nangangahulogan na umpisa na rin ng pangangampanya.
Batay kasi sa Resolution No.10695 sa Oct.29 ay ilalabas ang tentative list ng mga kandidato .
Sa Nov.15 naman ang huling araw ng paghahain ng substitution dahil sa pagbibitiw o withdrawal, pagkamatay ng kandidato o partylist nominee o kandidato ng partido o coalition.
Simula naman Jan.9 hanggang June 8 ang opisyal na election period.
Ipagbabawal naman ang pagdadala ng armas o baril sa nasabing panahon.
Ang panahon ng pangangampanya para sa Presidente, Vice President, Senator at Partylist groups ay isasagawa sa Feb.8 hanggang May 7 .
Ang pangangampanya naman para sa lokal na posisyon ay sa March 25 hanggang May 7,2022.
Wala namang kampanya sa April 14 at 15 dahil nataon na Holy Week.
Ayon sa Comelec, nasa 18,180 ang elective positions sa national, local at BARMM ang paglalabanan .
Ang eleksyon ay gaganapin sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo o papatak ng May 9,2022 alinsunod na rin sa konstitusyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)