Advertisers

Advertisers

CONG. LANI, BALIK-ALKALDE NG TAGUIG CITY

0 347

Advertisers

SUPORTADO ni incumbent Taguig City Mayor Lino Cayetano ang pagbabalik ni Congresswoman Lani Cayetano upang muling maglingkod bilang Alkalde ng lungsod na tatlong termino ding pinaglingkuran nito para sa mga Taguigenyo.

Nitong Biyernes ng hapon, naghain ng Certificates of Candidacy (CoC) sa Taguig City Hall auditorium si 2nd District Rep. Lani upang tumakbong Mayor kasama ang running mate na si Arvin Ian Alit para sa bise-Alkalde ng lungsod at iba pang incumbent City Councilors.

Ayon kay Mayor Cayetano, bagama’t hindi na siya tatakbo para sa reelection, ipagpapatuloy pa rin nito ang pagtugon sa pandemic upang makaahon sa ekonomiya at lutasin ang problemang kinahaharap ng mamamayan.



“I will continue to focus on the problems on the programs and issues of our City. In the coning months, while the rest of the nation focus on the elections, we in Taguig will focus on the solutiona needed by our citizens,” ani Mayor Lino mula sa isang recorded video

Nagpasalamat din ang alkalde sa mga mamamayan dahil sa pagkakaisa, kooperasyon at bayanihan kung saan naging matagumpay ang pagtugon sa pandemya, kabilang dito ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 at nanguna sa pinakamaraming naitayong government-run testing sites dahilan upang mapabilis ang pagpapabakuna sa National Capital Region (NCR).

Binanggit din ni Cayetano ang paparating na pagpapaunlad ng Public Employment Service Office (PESO) tungo sa isang competitive job center at paglunsad ng MSME offices.

“I will give way and I fully accept it because I believe in the leadership of Ate Lani,” ani Cayetano.(Jojo Sadiwa)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">