Advertisers

Advertisers

P3.4m droga nasamsam sa 6 tulak

0 229

Advertisers

ANIM na tulak ang nasakote nang makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng higit sa P3.4 million sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Muntinlupa City at Pateros.

Kinilala ang mga suspek ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Police Major General Vicente Danao Jr., na sina Bobby Cbak, Jesus Borja, Marvin De Guzman, Mark De Guzman, Renato Tabera at Renaldo Reyes.

Sa report na isinumite ni Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Jimili Macaraeg sa tanggapan ni Danao, 3:07 ng hapon nang maaresto sina Cbak at Borja sa kahabaan ng Daang Hari, Ayala Alabang, Muntinlupa City sa ikinasang buy-bust operation nang pinagsanib pwersa ng PDEA RO NCR, DID SPD, DDEU-SPD at SDEU Muntinlupa City Police.



Nakumpiska mula sa mga suspek ang 500 gramo ng shabu na naghahalaga ng P3.4 million, Hyundai Accent at cellular phone.

Samantala, 4:30 naman ng hapon nang maaresto ng operatiba ng DMFB, SPD at SDEU Pateros ang mga suspek na sina Marvin, Mark, Tabera at Reyes sa # 1156 P Rosales St., Brgy. Santa Ana, Pateros sa isa pa ring buy-bust operation.

Nakuha sa mga ito ang 52.10 gramo ng shabu na ang halaga nasa P357,000.00.

Iprenisinta ang mga suspek ng SPD sa tanggapan ni Danao at nahaharap ang mga ito sa kasong pagbebebenta ng ipinagbabawal na gamot.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">