Advertisers

Advertisers

CURFEW! 12:00 MIDNIGHT – 4:00AM

0 292

Advertisers

MAGPAPATUPAD na ng bagong curfew hours sa Metro Manila simula ngayong araw, Oktubre 13, dahil sa patuloy na pagbaba ng covid cases.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, mula sa dating 10pm – 4am ay magiging 12am na ang curfew hours hanggang 4am.

Gayunman, mahigpit pa ring pinaalalahanan ni Abalos ang publiko na sumunod sa minimum health protocols kahit pinaigsi na ang curfew hours.



Umaasa si Abalos na maibaba ang alert level status sa Metro Manila na kasalukuyang nasa alert level 4 hanggang sa Oktubre 15.

Nauna nang kinumpirma ng Octa Research Group na patuloy ang pagbaba ng reproduction rate sa Metro Manila na ngayon ay nasa 0.61 na lamang. (Jonah Mallari)