Advertisers

Advertisers

1 bulagta sa riot sa Tondo

0 350

Advertisers

Patay ang isang menor de edad nang barilin sa naganap na riot sa Jose Abad Santos corner Quiricada, Maynila, Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat ng MPD-PS 2, kinilala ang biktima na si John Mark Molina alyas Dennis, 14 anyos, out of school youth, at nakatira sa Pasilio 1 Central Market Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa report, itinakbo pa sa Jose Reyes Menorial Medical Center ang biktima ngunit hindi na rin naisalba ng mga doktor.



Hindi pa batid ng pulisya kung sino-sino ang mga sangkot sa riot na ikinasawi ng biktima.

Nangyari ang insidente batay sa inisyal na ulat ng pulisya sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue na sakop ng Brgy. 252 Tondo, Maynila.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.(Jocelyn Domenden)