Advertisers

Advertisers

Pader ng bahay bumigay: 4 pisak

0 322

Advertisers

SISON, Pangasinan – Patay ang mag-asawa, kanilang anak at pamangkin nang mabagsakan ng pader ng bahay na niragasa ng putik sa Sitio Pilawan, Brgy. Sagunto, nitong Martes.

Sa ulat ng Pangasinan police provincial office, kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Aquino, 26; Jasmine Stocapio, 22; anak nilang si Mary Jane, 3, kapwa residente ng nasabing barangay at pamangkin na si John Christian Salvatierra, 7, residente ng Barangay Artacho ng nasabing bayan.

Batay sa report, 6:10 ng gabi nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima ng mga sandaling iyon malakas ang buhos ng ulan dulot ng bagyong Maring.



Ilang sandali pa rumaragasa ang putik na tumama sa bahay ng mga biktima na kung saan bumagsak ang pader at nalibing ng buhay ang mga ito.

Agad namang nagsagawa ang mga pulis, BFP at MDRRMO at rural health unit (RHU) ng retrieval at rescue operation.



Narekober agad ang mga bangkay ng mga biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">