Advertisers

Advertisers

Mga pulis, pinasabugan; sundalo, inisnayp ng NPA

0 222

Advertisers

SORSOGON CITY – Hinihinalang planado ang ginawang ‘atrocities’ ng rebeldeng grupong NPA sa Masbate.

Ayon sa ulat, pinasabugan ng nasabing hukbo ang tropa ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa bayan ng Cataingan habang sa bayan ng Palanas ay inisnayp ang isang sundalo.

Masuwerte namang walang nasaktan sa tropa ng 2nd Provincial Mobile Force Company nang pasabugan ng IED ang mga ito habang lulan ng kanilang service vehicle sa Brgy. Badiang, Cataingan.



Sa isinagawang hot pursuit operations ng tropa, nahuli ang isang Jerry Mantal Lasan, 32-anyos, residente ng nasabing barangay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon kung may kinalaman ito sa nangyaring pagsabog o kasapi ito sa nasabing hukbo.

Ayon pa sa report may narekober na mga gamit sa pampasabog sa nasabing lugar, pagkain at pera.