Advertisers

Advertisers

2 mataas na lider ng NPA, 4 pa arestado

0 247

Advertisers

Nadakip ang dalawang mataas na lider ng New People Army (NOA) at 4 pa iba sa isinagawang operasyon sa Logonglong, Misamis Oriental.

Kinilala ang nadakip na mga rebelde na sina Jemar C. Hilogon, alias Ivan/Siatam, Commander ng Platoon Cherry Mobile, GF HUAWEI, SRC1 of NCMRC, 28, ng Sitio Camanse, Brgy. Banglay, Lagonglong; Rubensito M Hilogon, alias Mikot/ Saluyan, Commander ng Militia ng Bayan ng Brgy. Talusan, Balingasag, 50, ng Cornao, Lagonglong; Alice Calimhay Hilogon, alias Amy, 31, ng Sitio Camanse, Brgy. Banglay, Lagonglong; Jocelyn Hilogon Cabusog, alias Ela, 50, ng Cornao, Lagonglong; at Reve, 17-anyos.

Ayon kay Lt Col Ricky L. Canatoy, Commander ng 58 Infantry Battalion, naaresto ang mga suspek ng mga elemento ng 58th IB sa isinagawang operasyon sa Barangay Umagos, Lagonglong, Misamis Oriental.



Ang operasyon isinagawa base sa nakakalap na mga impormasyon at patuloy na pagtugis laban sa mga rebelde na tumatakas matapos ang naganap na engkwentro.

Base sa Militry Intelligence, kabilang sina Jemar Hilogon at Rubensito Hilogon sa Province Most Wanted Person sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Narekober sa mga suspek ang M14 rifle, Garand rifle, AK-47 rifle, 2 rifle grenades, 10 rounds ng bala ng AK-47 extended clip, 10 rounds ng bala ng M16 rifle, six rounds ng bala ng M14 rifle, at 3 mobile phones.

Nasa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek para sa pagsisiyasat at paghaharap ng kaukulang kaso laban sa mga ito.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">