Advertisers

Advertisers

Lola pinagnakawan, pinatay pa

0 482

Advertisers

LAGUNA – Pinagnakawan at pinatay ang isang 66-anyos na lola sa Barangay Mamatid, Cabuyao City dito sa lalawigan.

Sa ulat ni Police Lt. Colonel Brigido Salisi, hepe ng Cabuyao City Police, nakilala ang biktima na si Angelina Cruz Villarico, residente ng Brgy. Mamatid

Ayon sa report, 8:00 ng umaga ng Biyernes, Oktubre 15, nang madiskubre ng kanyang anak na si Charlie, 41, ang bangkay ng ina sa loob ng kanilang bahay. May tama ito ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.



Ayon sa pulisya, malamang na nakapanlaban ang biktima sa salarin, batay sa nakitang mga sugat sa kanyang mga kamay.

Nawawala ang ang mamahaling cellfone ng matanda na nag-iisa lang sa bahay.

Ang biktima ay mayroong small lending business sa lugar. (Dick Garay)