Advertisers

Advertisers

Metro mayors: Bawal muna sa mall ang 17-anyos pababa

0 635

Advertisers

MAGLALABAS ng resolution ang Metro Manila mayors bilang paglilinaw sa guidelines ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 kung saan pinapayagan ang mga bata na lumabas na ng bahay ngayong nasa Alert Level 3 System ang National Capital Region (NCR).

Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora, ang mga batang may edad 17-anyos pababa ay maaari nang lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at gamot at bumisita sa kanilang mga dentista at mag-ehersisyo.

Ayon kay Zamora, para mas magiging malinaw, maglalabas ng pormal na resolution ang MMC (Metro Manila Council).



Ani Zamora, nagkaroon na ng kasunduan ang mga Metro mayors na mahigpit pa rin ipinagbabawal ang mga bata sa loob ng mga malls.

Pinapayagan lamang ang mga bata sa mga outdoor areas lamang at hindi rin sila pwede mag-dine-in.

Nakatakda naman maglabas ng pahayag si Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos ngayong araw kaugnay sa resolusyon kaugnay sa mobility ng mga bata.

Matatandaang una nang ipinagbawal ng gobyerno ang mga bata na lumabas ng bahay dahil posibleng sila ang maging “superspreaders.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">