Advertisers

Advertisers

Pulis-Davao nagsauli ng napulot na higit P300k

0 439

Advertisers

SINALUDUHAN ang isang pulis sa Davao City sa kanyang katapatan nang isauli nito ang napulot na sobre na may lamang mahigit P300,000 cash.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), si Corporal Rene Getigan ay nagsasagawa ng isang mobile beat patrol sa Buhangin, Davao City nang may makita itong puting sobre na naglalaman ng pera at mga tseke.

Agad siyang bumalik sa Buhangin Police Station upang humingi ng tulong para matagpuan ang may-ari ng sobre.



Ang laman ng sobre ay may kabuuang halaga na P309,645.00.

Napag-alaman na ang may-ari ng sobre ay isang kolektor ng Metal Flow Hardware sa Davao City. Naibalik na sa kanya ang pera.

Pinuri ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang katapatan ni Getigan.